TINGNAN: Committee on Appropriations, Ways, and Means Hearing for the Presentation of the 2024 Annual Investment Program

June 2, 2023



Matapos maipasa ang City Development Council Resolution No. 3, s. 2023 para ma-endorso ang panukalang 2024 Annual Investment Program (AIP) sa 11th Sangguniang Panlungsod noong isang linggo ay opisyal nang sinimulan ang marathon Committee Hearings ukol dito kahapon, June 1, 2023 sa pangunguna ni Committee on Appropriations, Ways, and Means Chairperson Maro Martires, sa tulong ng iba pang miyembro ng konseho. 

Ito ay parte ng proseso upang maipasa ang panukalang Resolution No. 278-2023: A Resolution Adopting the Annual Investment Program of the City Government of Pasig Covering from January 1 - December 31, 2024. Nagkaroon ng presentation ang Local Finance Committee ng 2022 Fund Utilization Report ng Pamahalaang Lungsod upang mabigyan ng kontekso rin ang mga naging accomplishment noong nakaraang taon (2022) at mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad na para sa naman sa susunod na taon (2024). 

Sa marathon hearings na ito ay isa-isang magpi-present ng kanilang mga panukalang 2024 AIP ang mga opisina/departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at maging diskusyon ukol sa sectoral issues at concerns, goals, at objectives, at kung paano matutugunan at maaabot ang mga ito sa tulong ng 2024 AIP.

Sa kasalukuyan ay mga opisina sa ilalim ng Infrastructure Sector ang nagpi-present ng kanilang AIP na susundan ng mga opisina mula sa Environment at Economic Sectors. Tinatayang aabot ang marathon AIP hearing hanggang sa Lunes, June 5, 2023.