TINGNAN: BRIEFING AT DEPLOYMENT PARA SA LIBRENG SAKAY
March 6, 2023
Nagsimula na kaninang umaga ang deployment ng service vehicles ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa Libreng Sakay bilang assistance sa commuters na maaapektuhan ng nakatakdang malawakang tigil pasada mula ngayong araw hanggang March 12, 2023.
Bago ang deployment kaninang 05:00AM ay nagkaroon muna ng briefing ng drivers, sa pangunguna ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO). Naka-deploy ang higit sa 40 city buses, commuter trucks, at iba pang service vehicles ng lokal na pamahalaan na bibiyahe sa mga sumusunod na ruta:
1. Pasig Mega Market to Shaw Boulevard (Vice Versa)
2. Pasig Mega Market to Ligaya via Dr. Sixto Antonio Ave. (Vice Versa)
3. Pasig Mega Market to Kalawaan to San Joaquin to Pasig Mega Market (Loop)
4. Pasig Mega Market to Ligaya via C. Raymundo Ave. (Vice Versa)
5. Pasig Mega Market to Dr. Sixto Antonio Ave. to Rosario to C. Raymundo Ave. to Pasig Mega Market (Loop)
Para sa iba pang updates ukol sa libreng sakay at iba pang-tigil pasada advisories ng Lungsod ng Pasig, ugaliing i-check ang Pasig City Public Information Office Facebook page.