TINGNAN: Benchmarking Visits sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig
March 22, 2023
Back-to-back benchmarking visits ng Munisipalidad ng Jalajala, Rizal at Tanauan, Leyte ang naganap noong Lunes, March 20, 2023.
Naging paksa ng benchmarking visit ng Tanauan, Leyte ang pagbabahagi ng best practices ng Community Relations and Information Office (dating Barangay Affairs Office) at Liga ng mga Barangay at ang diskusyon tungkol sa TAPAT (Tulong At Pampuhunang Ayuda para sa Taga-Pasig) Loan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Samantala, patungkol naman sa best practices ng Freedom of Information ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na ipinapatupad ng Ugnayan sa Pasig ang naging focus ng benchmarking visit ng Jalajala, Rizal.
Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang parehong delegasyon na sinalubong nina Sangguniang Panlunsod Majority Floor Leader Volta delos Santos at Minority Floor Leader Angelu de Leon. Nagkaroon din ng diskusyon ukol sa best practices sa ilalim ng limang priority thrusts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Pagkatapos ng bawat presentation at question and answer portion ay bumisita rin ang mga delegasyon sa mga piling opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para makita ang aktwal operations ng mga ito.