TINGNAN: Benchmarking Visit ng Munisipalidad ng Quezon, Bukidnon sa Pasig City

May 16, 2023

TINGNAN: BENCHMARKING VISIT NG MUNISIPALIDAD NG QUEZON, BUKIDNON SA PASIG CITY

Nagsagawa ng benchmarking visit sa Pasig ang Munisipalidad ng Quezon, Bukidnon kahapon, May 15, 2023. Ito ay dinaluhan ng 37 municipal at barangay officials, sa pangunguna ng kanilang Mayor Pablo Lorenzo III.

 

Naging paksa ng nasabing benchmarking visit ang pagbabahagi ng best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, partikular ng Liga ng mga Barangay at ang implementasyon ng mga programa at proyekto sa ilalim ng five priority thrusts ng administrasyon.

 

Malugod na sinalubong nina Vice Mayor Dodot Jaworski, Councilor Angelu de Leon, at Councilor Volta delos Santos ang mga panauhin. Sa isang maiksing pagbati mula sa mga opisyal ng Lungsod ng Pasig, kanilang ipinahayag na sana’y sa pagbisita ng mga panauhin ay makakuha sila ng mga bagong paraan at ideya na makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang munisipalidad.

 

Matapos ang pagbabahagian ng best practices, nagkaroon ng pagkakataon na makabisita ang mga panauhin sa Pasig City Session Hall at sa opisina ng Ugnayan sa Pasig na nangangasiwa sa implementasyon ng Freedom of Information sa ating lungsod. 

Ang benchmarking visits sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan ay isang paraan para makapagbahagian ng best practices ukol sa iba't ibang aspeto ng pag-gogobyerno sa isang lugar. Nakadepende ang paksa ng isang benchmarking visit ayon sa request ng bibisitang lokal na pamahalaan.