TINGNAN: BENCHMARKING VISIT NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN FERNANDO, LA UNION SA PASIG
May 18, 2023
Nagsagawa ng Benchmarking Visit ang Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong araw, May 18, 2023.
Ang delegasyon mula sa nasabing LGU ay pinangunahan ni Provincial Administrator Agnes Grace Cargamento. Naging paksa ng kanilang pagbe-benchmark ang best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa aspeto ng Financial Management. Mga kinatawan ng Pasig City Budget Office ang nagbigay ng presentasyon ukol dito.
Matapos ang naging diskusyon kung saan binigyan ng pagkakataon ang delegasyon ng San Fernando, La Union na makapagtanong at makapagbahagi din ng kanilang experience sa kanilang LGU, sila ay bumisita rin sa Pasig City Mega Dialysis Center at Maybunga Rainforest Park.
Ang pagsasagawa ng benchmarking visit ay isa sa mga paraan ng mga lokal na pamahalaan upang makapagbahagian ng best practices na ipinatutupad sa kanilang mga nasasakupan. Layunin nito na makakuha ng inputs ukol sa mga programa at proyekto mula sa ibang LGU na maaaring ma-adopt o maiimplementa rin sa kanilang lugar nang may konsiderasyon sa kalagayan at panganagilangan ng kanilang mga mamamayan.
Ang pagsasagawa ng benchmarking visits sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay pinapangasiwaan ng Cultural Affairs and Tourism Office.