TINGNAN: Benchmarking Study Tour ng Bicol University Jesse M. Robredo Institute of Governance and Development sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig
November 11, 2022
TINGNAN: Benchmarking Study Tour ng Bicol University Jesse M. Robredo Institute of Governance and Development sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig
Nasa 90 na 4th Year Bachelor of Public Administration students, kasama ang ilang faculty at Director ng Bicol University Jesse M. Robredo Institute of Governance and Development ang bumisita sa Lungsod ng Pasig kahapon, November 10, 2022, upang magsagawa ng isang benchmarking visit.
Naging paksa sa nasabing benchmarking visit ang best practices ng Lungsod ng Pasig patungkol sa Freedom of Information at sa Five Priority Thrusts ng administrasyon: Kalusugang Pangkalahatan (Health), Pabahay Para sa Mapanlahok at Maunlad na Pamayanan (Housing), Edukasyon para sa bawat PasigueƱo (Education), Maagap na Serbisyo (Social Service), at Tapat at Masinop na Pamamamhala (Internal Housekeeping).
Matapos ang pagbabahagian ng best practices, nagkaroon din ng pagkakataon na makabisita ang mga estudyante sa ilang piling opisina sa Pasig City Hall. Layunin ng nasabing benchmarking visit na matutunan ng graduating students ang ilang operations ng mga lokal na pamahalaan dahil isa ito sa mga posibleng career track nila bilang mga kumukuha ng kursong Public Administration.