TINGNAN: BENCH CHEERING COMPETITION

November 27, 2024

Limang grupo ng kabataang Pasigueño ang nagpakitang-gilas at naghatid ng kanilang #PasigueñoSpirit sa ginanap na Bench Cheering Competition noong Sabado, November 23, 2024, sa Maybunga Rainforest Park Kiddie Playland.
Kabilang sa mga grupong nagpasiklaban ang Giting Sigaw Kabataang Pasigueño, Kapit B-SIG, Ilugin Elementary School Cheering, Team BATA, at Team PYAP. Ang patimpalak ay ginanap bilang suporta sa tema ng National Children's Month na "Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines."
Dumalo sa Bench Cheering Competion si Congressman Roman Romulo upang magbigay ng mensahe ng pasasalamat sa mga tagapag-organisa ng programang ito, na naglalayong hubugin ang talento ng kabataan. Nakiisa rin ang iba't ibang youth organizations, youth-serving organizations, at student organizations, kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya, upang magbigay ng suporta at inspirasyon sa mga kalahok.
Sinuri ang performances ng mga kalahok gamit ang mga sumusunod na pamantayan: adherence to the theme (20%), technical skills (20%), routine (20%), cheer and yells (20%), at overall impression (20%). Ang mga mananalo ay gagawaran ng sumusunod na papremyo: PHP 20,000 (Grand Prize): PHP 15,000 (1st Runner-Up); PHP 10,000 (2nd Runner-Up); at PHP 2,000 (Consolation Prize).
Naging matagumpay ang patimpalak na ito sa pangunguna ng Pasig City Social Welfare and Development Office, sa pakikipagtulungan ng Pasig City Local Youth Development Office.
Huwag palampasin ang awarding ceremony sa nalalapit na Children's Congress at State of the Children Address sa November 29, 2024, sa Kapitolyo Amphitheater! Bilang bahagi ng programa, magtatanghal din ang winning group upang muling ipamalas ang kanilang husay at talento.