TINGNAN: Batch 2 ng Pasig City CSO Workshop for Governance Engagement and Participation
October 12, 2022
TINGNAN: Batch 2 ng Pasig City CSO Workshop for Governance Engagement and Participation
Kahapon, October 11, 2022 ay ginanap ang ikalawang batch ng workshop ukol sa Governance Engagement and Participation para sa civil society organizations (CSOs) na nahalal bilang representatives sa local special bodies ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Bukod sa talks na naglalayong palawigin ang kaalaman ng CSO representatives sa Local Governance and People's Participation, Program Pillars ng Lungsod ng Pasig, at Budget Cycle na sinusunod ng lokal na pamahalaan, may mga workshops din para makuha ang inputs mula sa CSOs ukol sa prayoritasyon ng programs, projects, and activities para sa 2023.
Parte pa rin ng workshop ang oath taking ceremony para sa elected members ng local special bodies mula sa hanay ng iba't ibang sektor ng CSOs sa ating lungsod.
Ang workshop na ito ay kabilang sa efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na mas palawigin pa at mas palakasin ang participatory governance sa Pasig. Bukod sa pagbubukas ng iba't ibang mekanismo para makapag-engage ang tao (sa pamamagitan ng CSOS) sa paggogobyerno, ang mga ito ay may kaakibat ding capacity development para masiguro ang makabuluhan at produktibong engagement nila sa iba't-ibang local special bodies.
#UmaagosAngPagasa