TINGNAN: Basic Incident Command System Training para sa Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council Members
April 1, 2023
Isang 3-day training tungkol sa Basic Incident Command System (ICS) ang dinaluhan ng mga miyembro ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) members simula noong Miyerkules hanggang Biyernes (March 29 - 31, 2023).
Ang Pasig City DRRMC ay binubuo ng mga hepe mula sa iba’t ibang departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na in-charge sa preparasyon at pagtugon sa iba’t ibang uri ng mga insidente (hal. disasters gaya ng bagyo, lindol, at sunog; o kaya naman ay mga high density-crowd activity tulad ng Bambino Festival o Paskotitap).
Pinangasiwaan ang nasabing training ng Office of the Civil Defense - National Capital Region at ICS Cadre na mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal at nasyunal na pamahalaan.
Layunin ng training na mabigyan ng kaalaman ang mga miyembro ng Pasig City DRRMC tungkol sa Basic ICS upang maging mas epektibo at episyente ang bawat isa sa pagkakataon na kailangang gamitin ang ICS. Ang training ay pinangunahan ng Pasig City DRRMO - Training Division.