TINGNAN: BACK-TO-SCHOOL SUPPLIES AT UNIFORMS NA IPAMAMAHAGI SA PUBLIC SCHOOL K-12 STUDENTS SA LUNGSOD NG PASIG
July 30, 2024
Tuloy na ulit ang pagsusukat sa mga bata para sa SCHOOL & PE UNIFORMS. (Sinimulan natin ito nung simula ng hulyo, pero mula sa feedback ng Deped SDO/schools, mas madali daw kung gagawin ito habang Regular Class Schedule para kumpleto ang mga bata pati na rin teacher. Nagbigay-daan din tayo sa mga activity gaya ng Brigada Eskwela, Learning Camp, at nagkabagyo rin.)
Bukod sa school & PE uniforms, may mga school supplies (mga lapis/ballpen, notebook, writing pad, pencil case, ruler), bag, at payong na ipapamahagi.
May leather shoes
at rubber shoes
din tayo ngayong taon. Nakita ko na ang mga sample nito at natuwa ako sa quality.


Note- iba-iba ang nanalong suppliers kaya hindi pare-pareho ang delivery schedules ng mga gamit.

