TINGNAN: BACK-TO-BACK THREE-DAY WORKSHOP ON MAINSTREAMING, FINALIZATION, AND PACKAGING OF THE 2024 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM (AIP); AT TWO-DAY FULL PRESENTATION OF THE 2024 AIP TO THE CIVIL SOCIETY ORGANIZATION MEMBERS OF THE CITY DEVELOPMENT COUNCIL

May 23, 2023



Isang 3-day workshop ang ginanap noong May 18-20, 2023 para mapinalisa ang mainstreaming at attribution ng iba’t ibang programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) na nakapaloob sa Annual Investment Program ng 2024. 

Ito ay para masiguro na ang PPAs, lalo na kung dapat naka-tag o attribute sa budget ng ibang opisina o ang mga kabilang sa statutory and mandatory obligations ay naka-reflect din sa kanilang AIPs. 

Nilahukan ito ng mga miyembro ng Local Finance Committee at mga opisina na may hawak sa mga pondo kung saan kino-consolidate ang ibang pangangailangan ng Pamahalaang Lungsod (hal., Office on General Services para sa common-use supplies; Management Information Systems Office para sa information and communication technology equipment at software; Human Resource Development Office para sa capacity development interventions), at mga opisina na na ngangasiwa sa SMOs (hal., Disaster Risk Reduction and Management Office para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund; 20% Comprehensive Development Fund; Gender and Development Office para sa Gender and Development Fund).

Bukod sa pag-aayos ng mainstreaming at attribution ay naging venue rin ang workshop na ito upang mapinalisa ang 2024 AIP at mai-package na ito na parte rin ng preperasyon para sa Full City Development Council (CDC)  meeting na gaganapin ngayon araw, May 23, 2023.  Ang 3-day workshop na ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Office.

Bukod sa paghahanda para sa full CDC, ang na-ipackage na 2024 AIP ay ipinresenta rin sa mga miyembro ng City Development Council mula sa hanay ng mga civil society organizations. Ang nasabing Full Presentation ng 2024 AIP ay ginanap naman noong May 20-21, 2023 kung saan 26 kinatawan mula sa 15 na civil society organizations ang dumalo upang tunghayan ang mga naging presentasyon. Bago opisyal na simulan ang presentasyon ng AIP kada sektor ay nagkaroon ng overview tungkol sa naging proseso sa pagbuo ng AIP at mga hakbang na pinagdaanan na nito.

Sa unang araw ay nagkaron ng presentasyon ng mga summary ng 2024 AIP mula sa Social Sector (subsector: Housing; Education, Sports, and Recreation; Welfare; at Public Safety). Ang mga naging presentation ay pinangunahan ng sectoral co-chairs na mula sa hanay ng mga hepe ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig (Pasig Urban Settlemets Office; Education Unit; Office on Social Welfare and Development; and Pasig City Anti-Drug Abuse Office).

Samantala, ipinagpatuloy naman ang presentation ng AIPs mula sa natitirang sektor noong ikalawang araw mula sa Economic, Environment, at Institutional Sector na pinangunahan din ng sectoral co-chairs (Pasig City Local Economic Development and Investment Office; City Environment and Natural Resources Office at Solid Waste Management Office; at Human Resource and Development Office). Dahil sa kakulangan sa oras dala ng hitik na diskusyon ay ipinagpaliban ang presentation ng AIP ng Infrastructure Sector na gagawin na lamang sa CDC meeting.

Pagkatapos ng presentations ay nagkaroon ng post-activity processing ang mga miyembro ng CSOs na pinangasiwaan ng Institute of Politics and Governance. 

Ang mga workshop na tulad nito ay isa sa mga mekanismo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang patuloy na mapalawig at mapalalim pa ang participatory governance sa pamamagitan ng pagsiguro na functional ang local special bodies (tulad ng CDC), nasusunod ang required na membership mula sa CSOs, at nae-empower din ang mga ito para masiguro ang kanilang malalim at produktibong pakikisangkot sa paggogobyerno.

Ang pagsasagawa ng Full Presentation ng 2024 AIP ay naging posible sa pangunguna ng CSO Desk ng Office of the City Mayor, sa pakikipagtulungan sa City Planning and Development Office.