TINGNAN: Back-to-Back Launching ng Zero Informal Settler Family Program sa Brgy. Kalawaan at Brgy. Palatiw at Groundbreaking Ceremony ng In-City Housing Program sa Brgy. Santolan
July 6, 2023
Parte pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig, opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Zero Informal Settler Program nito noong Lunes, July 3, 2023. Para sa paglulunsad nito ay nagsagawa ng Awarding of Certificates para sa nasa 585 beneficiaries sa Brgy. Kalawaan at 160 beneficiaries naman sa sa Brgy. Palatiw.
Bumuhos ang pagpapasalamat ng mga naging benepisyaryo na kanilang ipinaabot sa pamamagitan ng mensahe ng mga opisyal ng kanilang mga asosasyon sa mga maiksing programa na ginanap para sa nasabing paglulunsad. Matapos ang apat na dekada, nawakasan na ang problema sa lupa sa Ismar, Kalawaan, dahil ngayong 2023, nabigyang daan ang pagkakasundo ng dalawang HOA sa lugar sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig at nabili na rin nito ang lupang kinatitirikan ng mga tahanan ng nasabing benepisyaryo -- at huhulug-hulugan na lamang nila ito sa LGU.
Halos ganito rin ang sitwasyon sa Brgy. Palatiw o ang HOA na Land for the Landless, na 40 taon na ring inabot ang problema sa lupa. Nabigyan ng kasiguraduhan ang mga benepisyaryo na nagawaran din ng certificates.
Bago nagtapos ang araw noong Lunes ay nagkaroon din ng Groundbreaking Ceremony para sa Housing Program na itatayo sa Brgy. Santolan. Nasa 366 pamilya ang magiging benepisyaryo nito na matagal nang nakatira sa danger zone.
Bukod pa rito, ang mga benepisyaryong ito ay maapektuhan din sa magiging kumplesyon ng Revetment Project ng Department of Public Works and Highways. Ang nasabing housing project ay in-city/onsite relocation, kung saan hindi kakailanganing ma-recolate ng mga benepisyaryo na malayo sa sentro ng kalakalan dahil ang lokasyon ng gagawing pabahay ay walking distance lamang mula sa kanilang pagmumulan.
Alinsunod sa Housing Code, targeted approach ang ginagamit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng mga pabahay nito, kung saan uunahin ang mga matatagal nang nakatira sa danger zones sa Pasig.
Bukod sa mga opsiyal ng Pamahalahaang Lungsod ng Pasig ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa National Housing Authority at Department of Human Settlements and Urban Development ang naging groundbreaking sa Santolan.
Balikan ang naging programa noong Lunes sa mga link na ito:
Ismar Kalawaan: https://bit.ly/ISFProgram_Kalawaan
Palatiw: https://bit.ly/ISFProgram_Palatiw
Santolan: Part 1: https://bit.ly/GroundBreaking_Santolan1
Santolan Part 2: https://bit.ly/GroundBreaking_Santolan2
#PanahonNgPasigueño