TINGNAN: AWARDS NG PASIG MULA SA URBAN GOVERNANCE | EXEMPLAR AWARDS
October 27, 2022
TINGNAN: AWARDS NG PASIG MULA SA URBAN GOVERNANCE | EXEMPLAR AWARDS
Nakatanggap ng walong (😎 parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig mula sa Department of the Interior and Local Government - National Capital Region sa ginanap na 2022 Urban Governance: Exemplar Awards ngayong araw, October 27, 2022 sa The Manila Hotel.
Iginawad ang mga sumusunod na parangal sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig:
-Functional Peace and Order Council
-Moderate Functional Anti-Drug Abuse Council
-Ideal Level Functionality Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children
-Child-Friendly Local Governance (2019)
-4th Place 2022 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards - Barangay Dela Paz
-Top Performer - Liquid Management Cluster on Manila Bay Clean Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP)
-Top Performer - Information, Education, and Communication and Institutional Arrangement Cluster on MBCRPP
-Overall Highly Compliant on MBCRPP (One of the Top 10 Awardees: 91.63%)
Layunin ng 2022 Urban Governance | Exemplar Awards na pormal na kilalanin ang exemplar efforts, contributions, at accomplishments ng mga lokal na pamahalaan sa NCR sa iba’t- ibang regional assessment, validation, at programs. Para tanggapin ang mga parangal sa ngalan ni Mayor Vico Sotto, pinangunahan ni City Planning and Development Coordinator Priscella Mejillano ang delegasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama ni Pasig DILG Field Director Visitacion Martinez, at iba pang kinatawan ng iba’t ibang opisina sa lungsod ng Pasig.
Ang mga award na ito ay patunay ng commitment ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig tungo sa matino, mahusay, at maaasahan na lokal na pamahalaan para sa Pasigueño.
#UmaagosAngPagAsa