TINGNAN: AWARDS NA NAKAMIT NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG MULA SA 2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS

October 26, 2023



Walong awards ang naiuwi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig mula sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards: Upholding Excellence in Local Governance Towards an Inclusive, Resilient, and Safe National Capital Region (NCR) kahapon, October 25, 2023. 

Layunin ng nasabing event na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government - NCR na kilalalin ang mga naging kontribusyon ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila, lalo na sa pagpapatupad at pagsuporta ng iba't ibang batas at polisiya mula sa nasyunal na pamahalaan.

Ang anim na awards na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kabilang ang dalawang awards para sa dalawang barangay nito ang mga sumusunod:

• IDEAL FUNCTIONAL | 2023 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Audit | 85.31% 

• IDEAL FUNCTIONAL | 2023 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Audit | 100% 

• HIGH FUNCTIONAL | 2023 Peace and Order Council (POC) Performance Audit | 98.88%

• HIGH FUNCTIONAL | 2023 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit | 85%

• Award para sa dedikasyon sa pagsiguro ng epektibong implementasyon ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP)

• Award para sa mga inisyatibo at suporta sa pagsiguro ng epektibong implementasyon ng Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project  na nakatulong sa food security efforts ng nasyunal na pamahalaan | City Category

Binigyang pagkilala ang dalawang barangay sa Pasig na nakatanggap naman ng Certificates of Recognition:

• BARANGAY PINEDA | Pagkilala sa naging exemplary performance sa implementasyon ng Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project (Barangay Category)

• BARANGAY DELA PAZ | Pagkilala sa kanilang naging exemplary performance bilang 1st runner up sa 2023 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA).

Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government -  Pasig City Director Visitacion Martinez, CESO V; Office on Social Welfare and Development Head Ms. Teresa Briones; Pasig City Anti-Drug Abuse Office Head Ms. Zenaida Concepcion; City Environment and Natural Resources Office /Solid Waste Management Office representative of Mr. Allendri Angeles - Ms Jilyn Vasquez; Brgy. Pineda Punong Barangay Francisco De Leon; at Brgy. De la Paz Punong Barangay Isidro Mariano, Jr./Barangay Secretary Norben Gomez ang pagtanggap ng mga nasabing pagkilala para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.