TINGNAN: Awarding Ceremony para sa Top 10 Business Taxpayers at Top 10 Real Property Taxpayers noong 2022
February 27, 2023
Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto at ng City Treasurer's Office, ang 2022 Top 10 Business Taxpayers at Top 10 Real Property Taxpayers sa lungsod sa maiksing programa na parte ng lingguhang pagtataas ng watawat kaninang umaga, February 27, 2023.
Iginawad ang parangal sa top 10 taxpayers ng business tax at real propery tax bilang pasasalamat sa kanilang tapat at masinop na pagbabayad ng buwis at sa masugid na pagsuporta sa mga proyekto at programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Malugod naman na tinanggap ng awardees ang Plaque of Appreciation mula sa lokal na pamahalaan. Ang paggawad ng parangal na ito ay pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa natatanging kontribusyon ng pribadong sektor bilang isa sa mga katuwang nito sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod. Sa pamamagitan ng masinop at tapat na pagbabayad ng buwis ng mga ito, patuloy na nakapagbibigay ng dekalidad na serbisyo ang lokal na pamahalaan sa PasigueƱo, at malaking tulong din ito maging sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng lokal na pamahalaan para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Pasig.