TINGNAN: Annual Investment Program Marathon Presentations

March 17, 2023



Isinagawa ang 3-day marathon presentations ng Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2024 simula noong Miyerkules, March 15, 2023 hanggang ngayong araw, March 17, 2023.


Nilalaman ng mga AIP ang mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad at ang karampatang budget para sa mga ito ng iba't ibang departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa susunod na taon. Ipinresinta ang mga AIP sa mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC) at iba pang kinatawan ng City Hall na namamahala sa mga departamento kung saan mayroong streamlined budgets at statutory mandatory obligations.


Sa AIP marathon presentations ay binibigyang pagkakataon ang mga miyembro ng LFC at iba pang opisina na masuri at makapagbigay din ng mga suhestiyon para mas mapagbuti pa mga panukalang budget at programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) ng bawat tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.


Pinangunahan ang AIP marathon presentations ng City Planning and Development Office na siyang in-charge sa pagkoconsolidate para mabuo ang AIP at pag-aanalisa ng mga panukalang budget at PPAs. 

Ang AIP marathon presentations ay isa pa lamang sa mga unang hakbang para mabuo ang aktwal na AIP para sa 2024. Marami pang pagdaraanan ang proposed AIPs bago itong tuluyang mabuo at maipasa sa Sangguniang Panlungsod para naman sa kanilang masusing pag-aaral dito at pagpapasa ng resolusyon na maaprubahan ito.


Matatandaang noong isang linggo ay nagsagawa rin ng workshop ang mga kinatawan ng civil society organizations na miyembro ng local special bodies sa Lungsod Pasig para naman makabuo ng project proposals na siya namang ipinasa sa mga departamento/opisina ng City Hall para sa kanilang konsiderasyon na mapasama sa AIPs ng mga ito.