TINGNAN: 42nd Community-Based Livelihood Program Certification Day

November 24, 2022


May kabuuang 1,424 graduates mula sa mga barangay at mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig ang nagsipagtapos mula sa iba’t ibang programa ng Pasig Livelihood Training Center ngayong araw, November 24, 2022 na ginanap sa Tanghalang Pasigueño. 

Sa ilalim ng temang Kahusayan, Kaunlaran, at Kasipagan, ang mga nagsipagtapos sa ika-42 Certification Day ay binubuo ng Batch 2022 trainees mula sa arts and crafts, beauty care, hairdressing, bread and pastry production, cookery, food processing, housekeeping, massage therapy, silk screen, at dressmaking programs.

Congratulations sa lahat ng graduates! Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na magamit ninyo ang inyong mga natutunan para matugunan ang inyong mga pangangailangan.