TINGNAN: 3RD CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING

August 2, 2023














Idinaos ang ikatlong City Development Council (CDC) meeting para sa taong 2023 noong Lunes, July 31, 2023, sa Chardonnay, Oranbo, Pasig City.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng nasa 167 kinatawan mula sa mga barangay, civil society organizations (CSOs) na miyembro ng CDC, Sangguniang Panlungsod, department/office heads na miyembro ng sectorial committees, at mga representante mula sa iba't-ibang departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at ng Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office. 

Naging paksa ng 3rd CDC ang tatlong panukalang resolusyon kaugnay ng pag-apruba ng mga sumusunod: Executive Legislative Agenda (ELA) 2023-2025; 2nd Supplemental Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2023; at pag-amenda ng listahan ng Programs, Projects, at Activities (PPAs) na popondohan sa ilalim ng 20% Community Development Fund (CDF) para sa taong 2023.

Bago inilatag ang mga nasabing resolusyon ay nagkaroon muna ng presentasyon mula kina EnP. Priscella Mejillano (City Planning and Development Office) para sa ELA 2023-2025, Atty. Jeronimo Manzanero  Office of the City Administrator) para sa 2nd Supplemental AIP para sa taong 2023, at Mr. Al Edralin  (Office of the City Mayor) para sa amendment ng listahan ng PPAs sa ilalim ng 20% CDF para sa taong 2023.

Binigyan ng pagkakataon na makapagtanong ang mga miyembro ng CDC, lalo na ang mga mula sa hanay ng CSO representatives at mga barangay bago tuluyang nagkaroon ng mosyon na ma-aprubahan ang mga ito. Bago natapos ang CDC meeting ay naaprubahan ang CDC Resolution Nos. 2023-004, 2023-005, 2023-006 na naghuhudyat na opisyal na itong mae-endorso sa Sangguniang Panlungsod upang mapagtibay nila ang mga ito sa pamamagitan naman ng City Council Resolutions.

Ang 3rd CDC meeting ay pinangunahan at pinangasiwaan ng City Planning and Development Office na nagsisilbing Secretariat ng CDC, na may guidance at suporta mula sa Local Finance Committee.