TINGNAN: 30th National Filipino Family Week Celebration sa Pasig City

September 30, 2022


TINGNAN: 30th National Filipino Family Week Celebration sa Pasig City

Kaugnay ng ating pakikiisa sa pagdiriwang ng 30th National Filipino Family Week na may temang "Urbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa Pagpapatibay at Pagpapaunlad ng Bansa," naglunsad ng iba't ibang aktibidad ang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng Pasig City Office of Social Welfare and Development.

Bilang panimula sa selebrasyon, nagkaroon ng two-day Family Advocacy at Kamustahan Forum mula September 27-28, 2022 na naganap sa Youth Development Center Pasig. Ito ay dinaluhan ng mga pamilya na mula sa iba't ibang sektor tulad ng solo parent, senior citizen, 4Ps, street dwellers, market vendors, informal settlers, children in conflict with the law, at Supervised Neighborhood Play. Sa pamamagitan ng mga talakayan, layon ng aktibidad na ito na matugunan ang mga isyu at concern sa pagitan ng mga sektor na nabanggit at ng lokal na pamahalaan. 

Parte rin ng naging selebrayon ng National Family Week ang isang medical mission para sa Muslim families na naganap kahapon, September 29, 2022. Nasa 100 Muslim families na may katumbas ng 500 individuals ang dumalo sa medical mission na ginanap sa Barangay Sto. Tomas Multipurpose Hall.