TINGNAN: 3-day Gender and Development Focal Point System (GFPS) Strategic Planning Workshop
March 8, 2023
Nagtipon ang mga miyembro ng Gender and Development (GAD) Executive Committee at Technical Working Group (TWG) na mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang 3-day strategic planning workshop kaugnay ng pagbabalangkas ng Pasig City GAD Strategic Framework at pagbuo ng 3-Year GAD Agenda.
Layunin ng strategic planning workshop na ito na makabuo ang lokal na pamahalaan ng mga gender responsive na programa, proyekto, at aktibidad upang patuloy na maisulong ang gender equality at inclusion sa Lungsod ng Pasig.
Sa pangunguna ng GAD Office at sa tulong ng facilitator na si Mr. Raymond Jay Mazo na miyembro ng Philippine Commission on Women - National GAD Resource Pool, isa sa naging daan ang workshop na ito upang mas magabayan ang mga GAD Focal Persons sa pagbuo ng agenda, programa, at proyekto na tumutugon sa pangangailan at karapatan bawat isa, anuman ang kanilang kasarian.