TINGNAN: 2ND QUARTER PASIG CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL MEETING
May 22, 2023
Ginanap ang 2nd Quarter Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council meeting ngayong araw, May 22, 2023 na dinaluhan ng mga miyembro ng DRRMC mula sa mga departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, private sector partners, at mga kinatawan mula sa civil society organizations.
Naging agenda ng nasabing pagpupulong ang presentation at approval ng 2023-2028 Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Plan matapos nitong dumaan sa ilang series ng workshop at writeshops na nagsimula noong 2022.
Bukod pa rito ay napag-usapan din ang pagsasagawa ng 2nd quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa darating na Hunyo.
Ang pagsasagawa ng DRRMC meeting ay pinangunahan at pinangasiwaan ng Disaster Risk Reduction and Management Office.