TINGNAN: 2nd GENERAL ASSEMBLY NG SENIOR CITIZEN ASSOCIATION OFFICERS

April 20, 2023



Nasa higit 50 organisasyon ng senior citizens ang dumalo sa naganap na 2nd General Assembly ng Senior Citizen Association Officers kahapon, April 19, 2023 sa Tanghalang PasigueƱo.

Naging paksa ng general assembly ang local benefits para sa senior citizens na pinapangasiwaan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at ang requirements na kailangang maipasa para maka-avail ng mga nasabing benepisyo. Naipaliwanag din dito ang proseso at kahalagahan ng annual validation ng senior citizens at ang koneksyon nito sa pag-release ng local benefits.

Bukod sa local benefits ay nagkaroon din ng diskusyon ukol sa qualification, requirements, at proseso para makabilang sa Social Pension na pinapangasiwaan naman ng Department of Social Welfare and Development.

Naging venue rin ang General Assembly para sa magkaron ng klaripikasyon ang mga madalas na concerns ng senior citizens. 

Isa ang general assembly sa mga mekanismo upang mas mapalawig pa ang information dissemination ukol sa mga benepisyo para sa senior citizens na rehistrado sa OSCA at maging mga serbisyong pinagkakaloob ng OSCA, bukod sa pagtatalaga ng OSComms (OSCA Communications) sa mga barangay at mga anunsyo sa social media.