TINGNAN: 2024 Pasig City Women Entrepreneurship Summit

March 27, 2024

Nagtipon ang 100 women entrepreneurs mula sa Lungsod ng Pasig para sa two-day 2024 Pasig City Women Entrepreneurship Summit na ginanap noong March 21-22, 2024 sa Chardonnay by Astoria, Pasig City.
Nagsilbing venue ang summit na ito upang magkaroon ng diskusyon at kamalayan ang mga babaeng entrepreneur sa iba’t ibang aspeto ng pagtatayo ng negosyo, kasama ang paggawa ng business plans na ipinaliwanag ni Mr. Jordan Willy G. Patente (Mentor, Philippines Center for Entrepreneurship [PCE] -Go Negosyo); iba’t ibang marketing at branding strategies na ibinahagi ni Ms. Florlyn B. Dela Pena (Mentor, PCE-Go Negosyo), at kaalaman tungkol sa financial management na tinalakay naman ni Mr. Tristan Ian Cristobal (Mentor, PCE-Go Negosyo).
Parte rin ng talakayan ang pagpapaliwanag nina Atty. Diego Luis S. Santiago (OIC, Pasig City Local Economic Development and Investment Office [PCLEDIO]) at Mr. Crisostomo Ian P. Veron Cruz (Economist III, PCLEDIO) ng mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para suportahan ang mga babaeng entrepreneur sa lungsod.
Bukod pa riyan, nagkaroon din ng talakayan sa pangunguna ni Ms. Michelle P. Ballesteros (President, Pasig City Chamber of Commerce and Industry, Inc. o PACCII) tungkol sa pag-develop ng isang entrepreneur ng kanyang leadership at professional skills na mahalaga sa pagtatayo ng isang negosyo. Tinalakay naman ni Mr. John Troy P. Sunga (Supervising Cooperative Specialist ng Cooperative Development Office o CDO) kung paano mas mapapaunlad ang kakayahan ng mga babaeng entrepreneur sa tulong ng mga kooperatiba.
Parte rin ng programa ang mga mensahe ng suporta nina Mayor Vico Sotto, Councilor Simon Tantoco (Chairperson, Sangguniang Panlungsod Committee on Trade, Commerce, and Industry), Councilor Pau Santiago, at Councilor Ma. Luisa “Angelu” de Leon.
Bukod sa mga hitik na talakayan, highlight din ng summit ang panel discussion kung saan ibinahagi ng mga women-owned business entrepreneur na sina Ms. Mitzi Uy (Owner, Mori Notes), Ms. Michelle Ballesteros (President, PACCII), at Ms. Jocelyn Pick (President, Profiles Asia) ang kanilang success stories. Dito, ibinahagi nila ang mga hamon na kanilang kinaharap sa pagtatayo ng kanilang negosyo at kung paano nakatulong ang mga hamon na ito para sila ay maging matagumpay.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso. Naging posible ang summit na ito sa pakikipagtulungan ng PCLEDIO sa Pasig City Local Council of Women at CDO.