TINGNAN: 2023 BEST PERFORMING PESO AWARDS

February 29, 2024



Nasungkit ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO) ang dalawa sa tatlong PESO core function awards para sa Bracket 4 na iginawad ng Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR) sa isang awarding ceremony ngayong araw, February 29, 2024, na ginanap sa Casa De Polo sa Valenzuela City.
Ginawaran ng Best in Labor Market Information (LMI) at Best in Referral and Placement ang Pasig City PESO. Ang LMI ay ginagamit ng policy-making body tulad ng DOLE-NCR para sa pagbuo ng mga programa, polisiya, at interventions upang mabawasan ang labor underutilization (i.e., unemployment, underemployment) sa Metro Manila. Samantala, ang Referral at Placement naman ay pagbibigay ng employment facilitation services (i.e., job fairs, pakikipagtulungan sa pribadong sektor) sa lokalidad (Pasig City) na nakakatulong din di lamang sa mga PasigueƱo, kabilang din sa pagpapababa ng unemployment rate sa Kalakhang Maynila. Kabilang sa Bracket 4 ang limang (5) local government units na may pinakamalaking populasyon sa NCR.
Tinanggap ni Pasig City PESO Manager Jelene Sison - Lopez ang mga nasabing award para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ang awarding ceremony ay isinabay sa PESO Association of Metro Manila Monthly Meeting.