TINGNAN: 1ST PASIG CITY HEALTH SUMMIT

March 26, 2023



Noong Huwebes, March 23, 2023, pinangunahan ng Pasig City Health Department ang pagdaraos ng kauna-unahang Health Summit sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) - Pasig City Field Office. 


Layunin ng nasabing summit na pinamagatang “Kalusugan: PASIGlahin” na tipunin ang mga lider mula sa City at Barangay level para magkaroon ng diskusyon at kolaborasyon sa implementasyon ng Universal Healthcare (UHC) sa Lungsod ng Pasig tungo sa  pagsiguro ng malusog na mga komunidad para sa mga Pasigueño. Dinaluhan ang summit nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at mga kinatawan mula sa mga barangay sa Pasig. 


Nagkaroon ng lectures para maipaliwanag ang components ng UHC na pinangunahan nina Assistant City Health Officer Dra. Emma Ruth Cuevas at Health Education & Promotion Manager. Dra. Mariane Bringuelo. Samantala, naging tutok naman ng mga talk nina DILG-Pasig  City Director Ms. Visitacion Martinez at City Planning & Development Officer Ms. Priscella Mejillano ang barangay involvement sa pagpapatupad ng UHC. Nagtapos ang summit sa mensahe ng ating City Health Officer Dr. Joseph Panaligan.


Ang summit na ito ay una pa lang sa mga nakakasang activity para masiguro ang kolaborasyon sa lahat ng stakeholders — city level man o barangay level — para makamit ang vision ng isang "Healthy Pilipinas"at isang "Healthier Pasig City for All!" 


Sa Pasig ating makakamtan, ang kalusugang pangkalahatan! 💙


#PasigCityHealth #1stPasigHealthSummit #PasigUHC

#UmaagosAngPagasa