Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) | September 26, 2024
September 25, 2024
Kaisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Office of the Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bukas, September 26, 2024, sa ganap na 9:00 AM.
Bilang suporta sa 3rd Quarter NSED, hinihikayat ang lahat ng empleyado at mga bibisita sa Pasig City Hall, pati na sa Temporary City Hall, na makiisa sa pag-“Duck, Cover, and Hold” sa hudyat ng sirena, at magpunta sa designated evacuation areas (Hal. Pasig City Hall: GAD Compound, Tanghalang Pasigueño; Temporary City Hall: open spaces sa paligid ng pasilidad).
Pinapaalalahanan din ang lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaan na isuot ang kanilang hard hats at dalhin ang kani-kaniyang Pasig City Government Employee Emergency Go Bag sa pagpunta sa mga evacuation area. Mahalaga ito bilang pagsasanay na laging maging handa, sakaling tayo ay makaranas ng matinding sakuna tulad ng lindol.
Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kooperasyon ng lahat para sa matagumpay na 3rd Quarter NSED ngayong taon.
Maraming salamat po!