TEASER | SPES OSY 2025 Application
January 20, 2025
Dalawang tulog na lang, online registration na ng Special Program for Employment of Students para sa Out of School Youth (SPES-OSY)!
Sa darating na Miyerkules, January 22, 2025, ganap na 01:00PM ay ipo-post ang link at bubuksan ang online registration para makapag-apply sa SPES - OSY.
Sa ilalim ng programa na ito ay made-deploy ang mga makakapasa sa assessment sa iba't-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa loob ng 20 na araw (February 3-28, 2025) para magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa lokal na pamahalaan nang may karampatang kita.
I-check ang naunang post tungkol SPES-OSY para makita ang kwalipikasyon, listahan ng requirements, at proseso ng aplikasyon sa link na ito nang makapaghanda pa ng requirements bago magbukas ang online registration: https://bit.ly/SPESOSY_JAN2025_POST