Tdap vaccines, available na sa Lungsod ng Pasig!
April 23, 2024
Ngayong araw, April 23, 2024, ay pormal nang na-iroll out ang Tetanus-Diphteria-Pertussis (Tdap) vaccines para sa vulnerable population o mga pinaka-apektadong populasyon sa Lungsod ng Pasig.
Sa kasalukuyan, ang Tdap vaccination ay nakatakdang ipamahagi lamang sa mga sumusunod:
Mga buntis na nasa 28 to 36 weeks ng pagdadalang-tao:
Maaaring magtungo sa health center sa inyong barangay upang makatanggap ng Tdap vaccine. Magdala lamang ng inyong ID bilang patunay ng residency sa Pasig.
Mga bata edad 5 to 10 years old na nakatira sa barangay na may mga naitalang kaso ng Pertussis:
Makikipag-ugnayan ang health center sa inyong pamilya kung kayo ay kabilang sa apektadong barangay.
Samantala, patuloy pa rin ang house-to-house Supplemental Immunization Activity at Catch-Up Routine Immunization para sa iba pang mga bakuna na ihahatid sa mga kabataang Pasigueño.
Wag na magpahuli, magpa-bakuna na!
Maaaring i-check din ang post ni Mayor Vico Sotto tungkol dito sa link na ito: https://bit.ly/3Js0yuR