Tara na sa Pasig City Mega Job Fair sa Ayala Malls The 30th!

July 18, 2023




Tara na sa Pasig City Mega Job Fair sa Ayala Malls The 30th!

Nasa 30 kumpanya, iba-iba kada araw,  kaugnay ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig simula ngayong araw hanggang sa Huwebes, July 18-20, 2023.

Para sa mga interesadong lumahok, pumunta na sa 3/F Activity Center ng Ayala Malls The 30th at magdala ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen. Katulad ng dating gawi, ihanda rin ang sarili dahil maaaring ma-interview at ma-hire-on-the-spot!

I-check ang material para sa listahan ng mga kumpanya na lalahok sa job fair kada araw hanggang sa Huwebes.

Bukod sa job fair, tampok din dito ang one-stop shop, lalo para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo (hal: police clearance at NBI clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, magdala ng: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); Valid ID; at sariling ballpen.

#PanahonNgPasigue├▒o