Tara na sa Maybunga Rainforest Park: Summer Saya para sa Buong Pamilya at Barkada
May 2, 2025

Ngayong summer, mag-enjoy kasama ang buong pamilya at barkada sa Maybunga Rainforest Park kung saan may iba’t-ibang atraksyon at mga pasilidad na bukas para sa anumang social gatherings!
Magtampisaw sa Water Park, mag-sightseeing sa Flower Fields at Butterfly House, o ‘di kaya ay makipaghabulan sa Kiddie Playland? Pwede!
Paalala: Libre ang park entry, samantalang may karampatang fees naman ang ibang pasyalan sa loob ng parke.
I-check ang material para malaman kung aling parte ng MRP ang maaaring puntahan nang libre at alin naman sa facilities at amenities nito ang may karampatang fees.
Huwag magpahuli; tara na sa MRP!
—
Ang Maybunga Rainforest Park ay bukas ng Lunes hanggang Linggo, mula 7:00 AM hanggang 5:00 PM (o hanggang 10:00PM para sa piling pasilidad), liban kung may advisories kaugnay nito.
Matatagpuan ito sa kahabaan ng F. Legaspi Ave., Maybunga, Pasig City. (Landmarks: Pasig City General Hospital, Pasig City Science High School)