Suspension of Government Work (October 25, 2024)

October 24, 2024

Suspendido pa rin ang government work sa Luzon, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bukas, October 25, 2024 (Biyernes), alinsunod sa anunsyo ng Office of the Executive Secretary.
Ito ay kaugnay pa rin ng patuloy na pag-ulan dala ng Severe Tropical Storm #KristinePH.
Samantala, mananatiling may operations ang mga tanggapan/opisina ng Pamahalaang Lungsod na may kinalaman sa disaster preparedness/response at mga serbisyo na kaugnay nito.
Sa kasalukuyan, nakataaas ang RED HEAVY RAINFALL WARNING at TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 2 sa Metro Manila.
Mag-ingat po ang lahat.