Suspension of Government Work due to Typhoon Kristine (October 24, 2024)

October 23, 2024

Suspendido pa rin ang government work sa Luzon, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bukas, October 24, 2024 (Huwebes), alinsunod sa anunsyo ng Office of the Executive Secretary.
Ito ay kaugnay pa rin ng patuloy na pag-ulan dala ng Severe Tropical Storm #KristinePH.
Samantala, mananatiling may operations ang mga tanggapan/opisina ng Pamahalaang Lungsod na may kinalaman sa disaster preparedness/response at mga serbisyo na kaugnay nito.
Mag-ingat po ang lahat.