Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme

October 26, 2022

Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am-10 am at 5 pm-8 pm sa Oktubre 31, Lunes; at Nobyembre 1, Martes, All Saints' Day. 

Sa mga araw na ito, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes; 3 at 4 na sakop ng coding tuwing Martes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa nasabing mga coding hours. 

Ayon kay MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III, magdedeploy ang ahensya ng 1,500 na personnel upang magpatupad ng security measures at kaayusan sa darating na Undas. 

Maglalagay ang MMDA ng public assistance centers na may tents at mga ambulansya sa limang major cemeteries sa Metro Manila: Manila North Cemetery, South Cemetery, Loyola Memorial Park, Bagbag Public Cemetery, at San Juan Public Cemetery.

Tutok naman ang Metrobase Command Center and Digital Media Group sa pagmonitor ng traffic situations, pagtugon sa public concerns, at pagbibigay ng real-time traffic updates. Para sa anumang road emergency, tumawag sa MMDA Hotline 136. 

Payo ni Chairman sa mga motorista sa paggunita ng Undas: Planuhin ang biyahe at siguraduhing nasa maayos ang kondisyon ng mga sasakyan bago umalis. 

#mmda 

#Undas2022