Suspendido ang Government Work simula 3:00pm alinsunod sa Memorandum Circular No. 64 | September 23, 2024
September 23, 2024
Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 64, s. 2024, SUSPENDIDO ang government work mula sa Executive branch ng pamahalaan, kabilang na rito ang PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG, simula 03:00 PM ngayong araw, September 23, 2024.
Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na ipagdiwang ang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” sa kanilang tahanan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-32 National Family Week.