Suspendido ang Government Work simula 12:00pm alinsunod sa Memorandum Circular No. 67 | October 31, 2024

October 30, 2024

Kaugnay ng Office of the President Memorandum Circular No. 67, s. 2024, hanggang 12:00NN lamang po ang operasyon sa mga sangay ng gobyerno, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, bukas, October 31, 2024, liban lamang sa mga opisina na in charge sa preparedness/response sa disasters at mga kalamidad, at iba pang nakatalaga sa pagbibigay ng iba pang vital services tulad ng pagpapanatili ng peace and order sa Lungsod.

Ito ay para bigyang oportunidad ang mga kawani ng pamahalaan para sa pag-obserba ng Undas, lalo na ang mga magbibiyahe pauwi ng probinsya. 

Maaaring ma-access ang kopya ng MC mula sa link na ito: https://www.officialgazette.gov.ph/2024/10/22/memorandum-circular-no-67-s-2024/