Suspendido ang Government Work at Pasok sa lahat ng Antas | July 23, 2024
July 23, 2024
Suspendido ang government work, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at pasok sa mga eskwelahan sa lahat ng antas sa National Capital Region simula 02:00PM ngayong araw, July 23, 2024.
Samantala, mananatiling operational ang mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagkakaloob ng disaster risk reduction and management at iba pang operations para masigurong maipagkakaloob ang mga serbisyong ito.
I-check ang kopya ng MC No. 57, s. 2024 mula sa Official Gazette website sa link na ito: https://www.officialgazette.gov.ph/l0eWbe