Sumali sa Lingguhang Blood Donation Drive ng PCGH

May 5, 2025

Give blood, save lives! 

Inaanyayahan po ang mga may kakayahang makapag-donate ng dugo na makiisa sa regular na blood donation drive sa Pasig City General Hospital (PCGH) tuwing araw ng Miyerkules, mula 08:00AM hanggang 12:00NN.

Sa mga nais mag-donate, mangyaring magtungo sa 3/F Lobby ng PCGH at magdala ng isang valid government-issued ID, at kung regular nang nagdo-donate ng dugo, ang Blood Donation Card.

Ang lahat ng makokolektang dugo ay direktang ilalagak sa Blood Bank ng PCGH upang magamit ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Ang inyong donasyon ay malaking tulong para makapagligtas ng buhay. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po kami sa inyong kabayanihan.