SPES Registration: EXTENDED
October 23, 2023
ADVISORY
Magandang balita para sa mga hindi nakaabot sa registration noong Special Program for Employment of Students para sa out-of-school youth (OSY)!
EXTENDED ANG REGISTRATION NG SPES PARA SA OSY HANGGANG SA MIYERKULES, OCTOBER 25, 2023 | 05:00PM.
Sa kasamaang palad, sa nasa lagpas 800 na naunang nag-register noong isang linggo, nasa 200 pa lamang ang na-assess na qualified para sa programa (ang iba ay higit sa isang beses na nag-register at kulang ang requirements na ipinasa, samantalang ang iba ay hindi nakapunta sa araw ng assessment).
Para sa mga interesadong mag-register pa sa SPES-OSY, mag-register sa link na ito:
bit.ly/Oct2023_SPESOSYApplication
Pinapakiusap sa mga nauna nang nag-register na kumpleto ang submissions na iwasan na pong mag-register muli. Para naman sa mga nag-register na kulang pa ang requirements, pagkakataon niyo na po ito na makumpleto ang inyong requirements. Maraming salamat po.
---
PAALALA:
1. I-check mabuti ang contact details, email address, at soft copy ng requirements na ia-upload sa online form.
2. Limitado sa 700 slots lamang ang kailangang mapunan para batch na ito ng SPES-OSY. Ito po ay first come, first served basis. Nakapag-sagawa na ng initial na assessment ang PESO sa unang 800 na nakapag-register noong isang linggo. Sa kasamaang palad, hindi na sapat ito para mapunan ang 700 slots para sa batch ng SPES-OSY.
3 Tanging ang mga nakapasa lamang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at ire-require na magpasa ng hard copy ng kanilang requirements.
I-check ang naunang post sa link na ito para sa requirements, proseso, at qualifications:
https://bit.ly/SPESOSYOct2023_POST