SPES Out-of-School Youth Application Reminder | September 6, 2024

September 6, 2024



PASIGUEÑOS!
Noong August 20, 2024 ay nagkaroon ng aplikasyon para sa SPES OSY. Sa 795 na nag-apply para rito, 419 ang pumasa sa screening at evaluation na ginawa ng PESO.
Nagsimulang tumawag ang PESO sa qualified SPES OSY applicants noong August 26, 2024. Sa 419 na pumasa, 201 lamang ang pumunta sa kanilang tanggapan para sa interview at pag-submit ng hard copy ng kanilang requirements.
Kaugnay nito, bubuksang muli ang aplikasyon para sa SPES OSY para punan pa ang kulang na slots at dagdagan pa ang mga magiging benepisyaryo nito!
Kaya naman Pasigueños, ihanda na ang inyong requirements dahil sa darating na Miyerkules, September 11, 2024 ay muling bubuksan ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students o SPES para sa mga OUT-OF-SCHOOL YOUTH na edad 15 hanggang 30.
Para sa round ng SPES OSY na ito, 500 slots ang bubuksan! Ang unang 500 applicants na makakapag-register online ay dadaan pa sa screening at evaluation.
Kaya naman abangan sa September 11, 2024 ang ONLINE REGISTRATION FORM LINKS na ipo-post dito lamang sa Pasig City Public Information Office Facebook Page.
Ang online registration form links ay bubuksan simula 01:00PM.
I-check ang material para sa mga detalye.
Gabay sa material:
Photo #1: Detalye sa naging application noong August 20, 2024
Photo #2: Schedule ng online application at implementation period ng SPES OSY
Photo #3: Qualification at requirements
Photo #4: Proseso para makapag-apply sa SPES
—--
Upang masiguro ang maayos at mabilis na proseso ng aplikasyon, DALAWANG LINK NG ONLINE APPLICATION FORM ang ipo-post sa nasabing petsa.
PAALALA: Magkaiba ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2.
Para mapunan ang 500 slots, first 200 qualified applicants para sa DISTRICT 1 at first 300 qualified applicants naman para sa DISTRICT 2 ang tatanggapin ng PESO.
Kaya naman para sa mga interesadong mag-apply sa SPES, tingnan maigi ang online application form link na inyong sasagutan.
—---
Para naman sa kaalaman ng mga nag-apply sa SPES noong nakaraan, batay sa assessment ng PESO, ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nakapasa sa assessment ang isang aplikante ng SPES OSY kahit na siya ay pasok sa bilang ng aplikante na kinakailangang mapunan: (1) hindi pasok sa qualifications: dahil sa edad; kasalukuyang naka-enroll; lagpas sa poverty threshold na PHP 197,868.00 ang kabuuang kita ng pamilya sa isang taon; (2) kulang ang requirements na ipinasa sa online registration form; (3) naka-graduate ng 4-year course sa kolehiyo at (4) nakapag-SPES OSY na dati at hindi bumalik sa pag-aaral pagkatapos nilang magtrabaho bilang SPES.