SPES OSY Links to the Online Application Form (November 2024)
November 11, 2024
SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS PARA SA MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTH
LINKS TO THE ONLINE APPLICATION FORM:
DISTRICT 1: https://bit.ly/District1_SPESOSY_Nov112024
DISTRICT 2: https://bit.ly/District2_SPESOSY_Nov112024
MGA PAALALA:
Ang online application form ay bukas ngayong araw, November 11, 2024, simula 01:00PM. Kapag nakita ang mensaheng ito: This form is no longer accepting responses.”, ibig sabihin ay nakasarado na ang aplikasyon para sa batch ng SPES OSY na ito.
I-check mabuti ang CONTACT DETAILS, EMAIL ADDRESS, at SOFT COPY ng REQUIREMENTS na ia-upload sa online form.
Magkaiba ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2. Kaya naman para sa mga interesadong mag-apply sa SPES-OSY, siguraduhing tama ang link na inyong sasagutan.
Ang unang 700 na aplikante sa pinagsamang bilang ng aplikasyon mula sa District 1 at District 2 lang muna ang ia-assess ng PESO. Para mapunan ang 700 slots, first 300 qualified applicants para sa DISTRICT 1 at first 400 qualified applicants naman para sa DISTRICT 2 ang tatanggapin ng PESO. Kung sakaling may hindi makapasa sa unang 700, saka ia-assess ang ika-301 pataas (para sa District 1) at ika-401 pataas (para sa District 2) hanggang mabuo ang 700 slots para sa SPES OSY.
Tanging ang mga nakapasa lamang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at ire-require na magpasa ng hard copy ng kanilang requirements.
TANDAAN: Batay sa assessment ng PESO, ito ang ilan sa dahilan kung bakit hindi nakapasa sa assessment ang isang aplikante ng SPES OSY kahit na siya ay pasok sa bilang ng aplikante na kinakailangang mapunan: (1) hindi pasok sa qualifications: dahil sa edad; kasalukuyang naka-enroll; lagpas sa poverty threshold na PHP 197,868.00 ang kabuuang kita ng pamilya sa isang taon; (2) kulang ang requirements na ipinasa sa online registration form; (3) naka-graduate ng 4-year course sa kolehiyo at (4) nakapag-SPES OSY na dati at hindi bumalik sa pag-aaral pagkatapos nilang magtrabaho bilang SPES.