SPES ALERT! : Out of School Youth

October 26, 2022

SPES ALERT!

Sa October 28, 2022, Biyernes, ay bubuksan ang ONLINE REGISTRATION para sa Special Program for Employment of Students o SPES para sa mga OUT-OF-SCHOOL YOUTH na may edad 15 to 30. Bukas ang online registration mula 1:00 p.m. hanggang 2:00 p.m. lamang. 

Nasa 500 ang slots na ilalaan para sa SPES at first come, first served basis ito. Paalala na ang first 500 na makakapag-register online ay dadaan pa sa evaluation at screening at tanging ang mga nakapasa lamang ang kokontakin ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Kung may ilan sa mga ito ang di makapasa sa screening, saka ia-assess ang mga nasa ika-501 pataas hanggang sa mabuo ang 500 slots na nakalaan para sa SPES.

Sa ilalim ng programa, required ang makukuhang interns na mag-report sa Pasig City Hall ng Lunes-Biyernes, 8:00 a.m. - 5:00 p.m., simula November 7 hanggang December 5. 

Tingnan ang materials para sa qualifications, requirements, at mga hakbang para makapag-apply sa SPES.