SPES ALERT (MARCH 2023)!
March 18, 2023
Sa darating na Huwebes, March 23, 2023, ay bubuksan ang ONLINE REGISTRATION para sa Special Program for Employment of Students o SPES para sa mga OUT-OF-SCHOOL YOUTH na may edad 15 to 30.
Ipo-post sa Pasig City Public Information Office Facebook Page ang link para sa online registration form at bukas lamang ito simula 01:00 p.m. hanggang 02:00 p.m.
May 200 slots na ilalaan para sa first batch ng SPES OSY na ito. Paalala na ang first 200 applicants na makakapag-register online ay dadaan pa sa screening at evaluation. Tanging ang mga makakapasa lamang ang kokontakin ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Kung may ilan sa mga ito ang di makakapasa sa screening, saka ia-assess ang mga nasa ika-201 pataas hanggang sa mabuo ang 200 slots na nakalaan para rito.
Para sa mga qualified ngunit hindi makukuha sa oras na mapunuan na ang 200 slots, huwag mag-alala dahil kayo ay maaari pa ring makuha sa mga susunod pang batch ng SPES OSY deployment ngayong 2023.
Sa ilalim ng programa, required ang makukuhang SPES interns na mag-report sa Pasig City Hall ng Lunes hanggang Biyernes, 08:00 a.m. - 05:00 p.m., simula April 17 hanggang May 15, 2023.
Tingnan ang materials para sa qualifications, requirements, at mga proseso para makapag-apply sa SPES.