Special Schedule para sa mga Kliyente na Magbabayad ng Real Property Tax

November 24, 2023

ADVISORY

Bukas ang Cashier at Land Tax sa Pasig City Hall (2/F), San Antonio Annex, at Robinsons Metro East (3/F) para tumanggap ng mga kliyente* na magbabayad ng real property tax (amilyar) sa mga sumusunod na special schedule:

November 25, 2023 | Sabado | 08:00 AM - 05:00PM

November 27, 2023 | Lunes | 08:00 AM - 05:00PM

Ito ay para bigyang pagkakataon ang tax payers na nais magbayad ng real property tax (amilyar) bago ang naka-schedule na Public Auction ng delinquent real properties sa darating na Martes, November 28, 2023. Bukod pa rito, ito ay bilang konsiderasyon din sa mga ito dahil nagkaroon ng di inaasahang suspensyon ng operasyon ng City Hall dala ng insidente ng sunog kahapon, na nakaapekto rin sa data server system ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong araw.

*mula sa mga barangay na maaaring i-cater ng tatlong Land Tax Areas

I-check sa link na ito, (material 3): https://bit.ly/3TdyZeX