Special Program for Employment of Students (SPES) for Out-of-School Youth

October 28, 2022

Special Program for Employment of Students (SPES) for Out-of-School Youth

LINK TO THE ONLINE REGISTRATION FORM: bit.ly/PasigCity_2022SPESOSY

MGA PAALALA: 

1. Ang ONLINE REGISTRATION ay bukas lamang simula 1:00 p.m. hanggang 2:00 p.m ngayong araw, October 28, 2022. Saktong 2:01 p.m., isasarado na ang access sa registration link. Kapag nakita niyo ang mensahe na ito: "This form is no longer accepting responses.", ibig sabihin hindi na po umabot ang inyong registration. 

2. I-check mabuti ang contact details, email address, at soft copy ng requirements na ia-upload sa online form. 

3. Mayroon lamang 500 slots at ito ay first come, first served basis. Unang 500 applicants muna ang ia-assess ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Sakaling may hindi makakapasa sa assessment mula sa unang 500, saka pa lamang ia-assess ang 501 pataas hanggang sa mabuo ang 500 na slots para sa SPES. 

4. Tanging ang mga nakapasa lang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at irerequire na magpasa ng hard copy ng requirements

5. Ang interns na matatanggap ay madedeploy sa iba’t ibang opisina ng City Hall simula November 7, 2022 hanggang December 5, 2022.