Special Program for Employment of Students para sa mga Out-of-School Youth
March 23, 2023
Special Program for Employment of Students para sa mga Out-of-School Youth
LINK TO THE ONLINE REGISTRATION FORM: bit.ly/OnlineApplicationForSPESOSY_2023March
MGA MAHAHALAGANG PAALALA:
1. Ang ONLINE REGISTRATION ay bukas lamang simula 01:00 p.m. hanggang 02:00 p.m. ngayong araw, March 23, 2023. Saktong 02:01 p.m. ay isasarado na ang access sa registration link.
Kapag nakita ninyo ang mensaheng ito: “This form is no longer accepting responses.”, ibig sabihin hindi na po umabot ang inyong registatration.
2. I-check mabuti ang contact details, email address, at soft copy ng mga requirements na ia-upload sa online form.
3. 200 slots lamang ang kailangang mapunan para sa unang batch ng SPES-OSY. Ito po ay first come, first served basis. Ang unang 200 applicants muna ang ia-assess ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO).
Sakaling may hindi makakapasa sa assessment mula sa unang 200, saka pa lamang ia-assess ang 201 pataas hanggang sa mabuo ang 200 slots na kailangan para sa unang batch.
4. Tanging ang mga nakapasa lamang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at ire-require na magpasa ng mga hard copy ng kanilang requirements.
PAALALA: Ang mga qualified applicants na hindi makakapasok sa unang round ng SPES OSY na ito ay maaaring makuha at ma-assess muli para sa mga susunod na batch sa taong ito.