Special Program for Employment of Students para sa mga Out-of-School Youth 2023 (Link to the Online Registration Form)
June 5, 2023
Special Program for Employment of Students para sa mga Out-of-School Youth
LINK TO THE ONLINE REGISTRATION FORM: (bit.ly/PasigCity_June2023SPESOSY)
PAALALA:
1. Ang ONLINE REGISTRATION ay bukas lamang mula 01:00 p.m. hanggang 02:00 p.m. ngayong araw, June 5, 2023. Saktong 02:01 p.m. ay isasarado na ang access sa registration form.
Kapag nakita ang mensaheng ito: “This form is no longer accepting responses.”, ibig sabihin hindi na po umabot ang inyong registatration.
2. I-check mabuti ang contact details, email address, at soft copy ng requirements na ia-upload sa online form.
3. Limitado sa 200 slots lamang ang kailangang mapunan para batch na ito ng SPES-OSY. Ito po ay first come, first served basis. Ang unang 200 applicants muna ang ia-assess ng Public Employment Service Office (PESO).
Sakaling may hindi makakapasa sa assessment mula sa unang 200, saka pa lamang ia-assess ang 201 pataas hanggang sa mabuo ang 200 slots na kailangan para sa batch ng SPES OSY na ito.
4. Tanging ang mga nakapasa lamang sa initial assessment ang kokontakin ng PESO at ire-require na magpasa ng hard copy ng kanilang requirements.
NOTE: Ang qualified applicants na hindi makakapasok sa round ng SPES OSY na ito ay maaaring makuha at ma-assess muli para sa mga susunod na batch sa taong ito.