Solo Parents Week | April 15-21, 2024

April 15, 2024



Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng Solo Parents Week simula ngayong araw, April 15, 2024 hanggang April 21, 2024 na may temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Protektado!”
Kaning umaga, April 15, 2024, kasabay ng programa sa lingguhang pagtataas ng watawat, nagkaroon ng Kick Off Ceremony para sa nasabing pagdiriwang kung saan inaanyayahan ang mga solo parent sa Lungsod ng Pasig na makiisa sa mga aktibidad na inihanda ng City Social Welfare and Development Office:
- Blood Letting Program | April 17, 2024 | Brgy. San Miguel Multipurpose Hall
- Solo Parents Caravan | April 19, 2024 | Brgy. San Miguel Multipurpose Hall
(Sa caravan na ito ay magkakaroon ng orientation patungkol sa RA 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act at Pasig City Ordinance No. 78, s. 2023 o Pasig City Comprehensive Solo Parent Ordinance)
Nauna nang nagkaroon ng Motorcade noong Sabado, April 13, 2024, para sa pagsalubong sa Solo Parents Week.
Ang selebrasyon na gaya nito ay nagpapakita ng ating patuloy na pagmamalaki at paghanga sa katatagan ng solo parents upang masuportahan at maitaguyod ang kanilang mga anak.