Senior Citizen's Wellness Day 2023
December 1, 2023
Heads up sa senior citizens ng Pasig!
Magkakaroon ng Senior Citizen's Wellness Day 2023 bukas, December 2, 2023, na gaganapin sa Maybunga Rainforest Park. Sa ilalim ng Wellness Day na ito ay magkakaroon ng Medical Mission (photo#2), Pak na Pak sa Indak (Tiktok Competition, photo #3), at Taichi (photo#4).
Nauna nang naipaalam ang aktibidad na ito sa mga OSCA sa mga barangay. Sa kasalukuyan, may natitira pang slots para sa medical mission (300 slots) at Pak na Pak sa Indak (100 slots - group or solo).
Para makapag-pre-register sa mga nasabing aktibidad, mag-message sa Facebook Account ng Pasig City OSCA ang mga sumusunod na detalye ngayong araw, December 1, 2023:
· Pangalan
· Activity na gustong salihan
· Photo ng inyong Senior Citizen ID
Makakatanggap ng confirmation mula sa OSCA kung kayo ay naka-rehistro na.
NOTE: HINDI PO PINAHIHINTULUTAN ANG WALK INS
Para sa mga makakapag-pre-register, mangyari lamang po na magdala ng PhilHealth ID (para sa medical mission), sariling ball pen, pamaypay/payong, at inuming tubig.
Kita kits sa mga makakapag-pre-register!