Selebrasyon ng National Oral Health Month sa Lunsgod ng Pasig
February 27, 2023
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Oral Health Month ngayong buwan ng Pebrero na may temang “Ibigin ang bibig! Sa bibig na malusog at alaga, masustansyang pagkain enjoy hanggang pagtanda!”
Pinangunahan ng Dental Section ng City Health Department ang month-long celebration nito. Bilang culimation activity ng National Oral Health Month, piling mga bata mula sa bawat Barangay Day Care Centers sa Lungsod ng Pasig na kinokonsiderang A1 child – mga batang malusog, malinis sa katawan, at maganda ang ngipin – ang pinarangalan sa isang maiksing programa na parte ng lingguhang Flag Raising Ceremony kaninang umaga, February 27, 2023.
Layunin ng selebrasyon ng National Oral Health Month na maisulong at maibahagi sa lahat, lalong-lalo na sa mga bata, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalusugan, kasama na ang oral health and hygiene.
Kung kaya’t sa mga nais magpatingin sa dentista, alamin sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay kung kailan ang schedule ng dentista para sa libreng konsultasyon. Bukas ang mga health center mula Lunes hanggang Biyernes, 08:00 a.m. to 05:00 p.m, liban na lamang kung holiday.