Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

June 6, 2023

Kaisa ng National at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa darating na Huwebes, June 8, 2023 sa ganap na 09:00 ng umaga.

Bukod sa pag-"Duck, Cover, and Hold" ay magkakaroon din ng evacuation drill, kung saan ang mga empleyado at maging ang mga bibisita sa City Hall sa nasabing araw ay kailangang pumunta rin sa designated evacuation areas (Hal. City Hall quadrangle, Tanghalang PasigueƱo).

Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kooperasyon ng bawat isa sa 2nd Quarter NSED. Maraming salamat po!